Kumakain ka ba ng PAYONG?
June 19th, 2008 by jowzieHabang sinusulat ko to nakikinig ako sa mga kanta ng “red jumpsuit apparatus”. Kasunod ay ang mga kanta nman ng “boys like girls” at “second hand serenade”. Tanong: Ano ba nakain ko’t ngsusulat ako dito. Sagot: Nainspired kasi ako sa isang author ng paborito kong libro at marami akong natutunan sa kanya. Tama nga nman siya, hindi lahat ng tao binigyan ng pagkakataon na mailagay sa papel ang likhang isip nito. D nman ako writer, kaya dito na lng sa friendster. Writer. Friendster. Friendster na ngsisilbing batayan na “in” ka kapag may account ka dito. Si Lolo at Lola meron na sila. In sila!
Naalala ko tuloy kagabi ng manood ako ng palabas sa sinehan. Isang babaeng feeling “in” dahil sa kakaenglsih niya sa kausap sa celfon, ang lakas pa ng boses. Sarap tuloy sapakin at sabihang, “heller! Nasa loob ka kaya ng sinehan” Dahil sa lakas ng boses niya narinig ko tuloy ang mga wrong gramming nya ( from oliver’s joke)
GIRLALO : I’m just straightening forward to tell him that I don’t like him. I’m so blond about it. Alam mo naman pranka akong tao.
Ano daw? Blond? Blond buhok nya.d nman ah. Baka iba dapat sabihin niya. Staightening forward? Hands forward n lng
sana sinabi nya. Natawa tuloy ‘yong mgshota sa harap nya at biglang lumipat ng kinauupunan.
*****
Alas 11 na! according to oliver it’s Confe time na. Conference sa Yahoo Messenger na di ko alam sinong nag-umpisa nito. Marami akong nakilalang mga tao. Halos lahat nakatira sa Mandug (kung hindi alam kung saan ito, hanapin lamang sa Google Earth) pero nagtatrabaho na sa iba’t-ibang lugar. Kahit ano na lang ang topic, mapa-lovelife, pagkain, mga lugar, mga palabas sa T.V., music, recreation at mga lamang dagat.
Nangunguna dito si Eula Ganir, alyas dodong. “ganir” din sa inuman. Astig. The Great. Siya Ang parating pulutan. Naging makabuluhan ang buhay sa panghihimasok ng isang babae. Bawal itong sabihin pero si
RIO talaga ang mahal niya.
Oo. Si Rio. Wala ng iba. Mas kilalang Rio Disease according to Dodong Eula. Malala. Kasumpa-sumpa. Bangungot. Pag-ibig. Langit.
Nakilala ko rin si Chistine Joy, alyas Juy2x. Malusog. Glorious: adjective. Noun? Tagalog?. Tama. Cute. Perfect. Shocking. Abrakadabra Sis Bomba!
Wala ng mas lulusog pa kay Chell, siya ay nagtagago sa pangalang Gang2x. Oo. Nagtatago. Kailangan. Marami sumunod sa kanya para mgpapicture at mgapaauthograph. Mas Sikat pa siya kay Charisse Pempengco. Hanapin lang sa google para makita ang video ng sikat na artistang ito. Siya unang umaalis sa conference.
Para … para…
Para gawing ang favorite hobby niya.
Isang matinik na lider itong si oliver. Jan2x kung tawagin siya ng kanyang mga katribo. Halos lahat ng kahindik na mga salita ay sa kanya ko natutunan. Paksyet, Shit, Siyet your face! Iba-ibang spelling pero iisa ang ibig sabihin, Yes! Tama ka! Mga leche kayo. ‘yon lng.
Siya parati ang gumugulo sa matiwasay kong mundo. Sa kalagatinaan ng aking pangangarap na makasama muli ang aking inaasam-asam na pag-ibig, sa kalagitnaan ng aking pagdarasal na sana magkaroon ng himala, himala para sa kaligtasan ng aking mga kalahi, mga taong lobo, mga itim na waya, ang mahalo kong mga luna, ako ang tunay na huling bantay, san na ang bato ni remus? biglang susulpot na parang utot ang bintana ng makabuluhang mundo ng mga bago kong kaibigan.
What makes you smile this morning?
Matindi. Dili na ka maugmaan. Dili ka malain? Nakurat ko ug pinakalit. Pakitulak beh. Simpleng salita. Kakasa ka ba?
Pagsure. NPA!
And the rest is history.
YYY
Minsan, natatawa na lamang ako sa aking sarili dahil sa mga “werla” moments. Nung isang araw may kausap akong client sa telepono. Dahil medyo mahina ang awditobo ng telepono namin at sinabayan pa ng sirang telepono nila. Hayun nagkakaintindihan talaga kami. Tinanong niya kung ano ang pangalan ko. Sabi ko naman JOWS po. Huh” Jows? Pakispell mo nga, sabi nya. Sabo ko, J-O-S-E po. Engggg.
Mali . Mabalik nga sa grade one.
YYY
Likas na sa ating mga Pinoy ang mapagmasid. Kahit nga butiki sa kisame ay mapapansin mong naghihintay ng kanyang mabibiktima. Yung isang babae na tagabenta ng mga beauty products sa isang sikat na mall ay para ring butiki. Hindi dahil sa kapit niya sa bubong kundi dahil naghihintay din siya ng mabibiktima. Naging biktima rin kami ng butiking yan, ako at ang aking kaibigan. Habang kami’y naghahanap ng facial cream, bigla na lang sumulpot ang babae. Oo, hindi lang siya butiki, kundi, isang bangaw. Malaking bangaw. Sabay sabi, “sir, gamitin niyo po ‘to, for sure matatanggal po ‘yang mga pimples nyo at pati na rin yang mga scars sa mukha niyo” at marami pang panglalait ang narinig naming sa bibig ng butiking yun.
Makahanap nga ng taong hikain at ipakain ang butiking ito.
Mr. Manager!
Patay ang butiki.